Ombudsman Conchita Morales, binalaan na huwag maging kampante sa posisyon

Manila, Philippines – Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y “selective justice” na pinaiiral ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Ayon sa pangulo, matigas ang pakikitungo ni Morales sa iilan pero malambot naman sa iba.

Aniya, mabagal din ang pag-aksyon nito sa mga reklamo laban sa mga “friendly” pero mabilis namang magdesisyon sa mga “hostiles.”


Maliban rito, pinuna rin ng pangulo ang mabagal na kilos ng Ombudsman laban sa mga mambabatas na nadawit sa pork barrel scam.

Kinuwestyon rin ng pangulo ang pananatili ni Morales hanggang ngayon.

Giit ni Duterte, dapat ay tapos na ito sa panunungkulan dahil tatapusin lang dapat nito ang termino ni Merceditas Gutierrez na nag-resign noong 2011.

Nabatid na noong February 2015 pa nagtapos ang termino ni Gutierrez.

Facebook Comments