Manila, Philippines – Bukas si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa impeachment case na isasampa laban sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang maikling pahayag ni Morales.
Nanatili lamang sa loob ng kaniyang opisina si Morales habang isinagawa kanina ang isang solidarity mass sa harap ng Ombudsman.
Nagpalabas lamang siya ng maikling statement.
Nagpasalamat si Morales sa ipinakitang suporta sa kaniya ng ibat ibang grupo mula sa Simbahan, NGO at ng grupong Tindig Pilipinas.
Aniya, ipagpapatuloy niyang gampanan ang tungkulin iniatas sa kaniya ng konsitusyon na panaigin ang rule of law.
Kaisa aniya ng Ombudsan ang Sambayanan sa pagdarasal para sa bayan.
Kabilang sa mga nakibahagi sa Solidarity mass ay sina Magdalo Pl Rep Gary Alejano, dating DepEd Secretary armin luistro at dating DSWD secretary Dinky Soliman.
Ipinanawagan ng grupo ang pagpirma ni Duterte sa isang bank secrecy waiver para mabuksan ang sinasabing tagong yaman ng kaniyang pamilya.