Ombudsman, dapat maging bukas din ang pinto sa imbestigasyon sa kanila ayon sa palasyo

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na dapat ay maging bukas din ang Office of the Ombudsman sa imbestigasyon sa umanoy katiwalian sa kanilang hanay.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng naging pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na hindi sila natitinag sa pahayag ng Pangulo na magtatatag ng isang komisyon na magiimbestiga sa Ombudsman.

Sinabi pa ni Morales na ang naging pahayag ng Pangulo ay dahil narin sa ginagawa nilang imbestigasyon sa mga bank accounts nito.


Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat ay ipakita ng Ombudsman na walang sacred cows sa gobyerno at maging bukas sila sa imbestigasyon.

Kinikilala parin naman aniya nila ang mandato ng Ombudsman na imbestigahan ang mga tiwalaing opisyal ng Pamahalaan pero hindi aniya ito exempted sa alegasyon ng katiwalian tulad ng sinabi ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments