Ombudsman, dapat magkaroon ng kapangyarihan na suriin ang bank accounts ng mga iniimbestigahan nito

Iginiit ni House Deputy Minority Leader and Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na dapat magkaroon ng kapangyarihan ang Office of the Ombudsman na i-access at suriin ang bank accounts at records ng mga iniimbestigahan nito.

Ang hirit ni De Lima ay nakapaloob sa inihain nyang House Bill 5701 na layuning amyenahan ang Republic Act 6770 o ang Ombudsman Act of 1989 at Bank Secrecy Law.

Ayon kay De Lima, nakakabalam sa imbestigasyon ng Ombudsman na kailangan pa nitong makakuha ng court order para magkaroon ng access sa kaukulang bank accounts at records.

Dismayado si De Lima, na nagagamit ng mga tiwali ang mga butas sa batas para hindi mabisto at mapagtakpan ang kanilang mga kabulastugan.

Diin ni De Lima, ngayon higit kailanman ay kailangang palakasin ang kapangyarihan ng Ombudsman, bilang Tanodbayan, sa pag-iimbestiga sa kaliwa’t kanang mga anomalya.

Facebook Comments