
Nananawagan si Kamanggagawa Party-list Representative Eli San Fernando sa Ombudsman na agad magsagawa ng full scale investigation sa mga ibinunyag ng mag-asawang Discaya ukol sa mga kumukubra sa kanila mula sa pondong nakalaan sa mga flood control projects na nai-award sa kanila.
Giit ito ni San Fernando makaraang ibunyag nina Pacifico at Sarah Discaya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga kongresista at mga opisyal ng gobyerno partikular ang mga nasa Department of Public Workers and Highways (DPWH) na humihingi ng milyones na halaga ng porsyento sa kanila.
Ayon kay San Fernando makabubuting maglunsad ang Ombudsman ng independent investigation gamit ang lahat ng reources ng gobyerno para habulin at papanagutin ang mga tiwaling contractors, public officials, at mga politko.
Naniniwala si San Ferdnand na ‘tip of the iceberg’ o mga isiniwalat ng mag-asawang DIscaya.
Ayon kay San Fernando, bukod sa mga anumalya sa flood control projects ay dapat ding busisiin ng gobyerno ang iba pang mga proyekto pati ang iba pang pinaggagamitan ng pondo ng taumbayan tulad ng confidential funds na hindi puspusang na-o-audit.









