Hinatulang guilty ng Office of the Ombudsman si dating National Irrigation Administration (NIA) acting Administrator Benny Antiporda.
Ito ay ang mga kasong harassment at oppression na may kaugnayan sa naging pagtrato nito sa ilang mga empleyado ng NIA.
Batay sa desisyon ng Office of the Ombudsman, nabigo si Antiporda na sagutin ang mga alegasyon laban sa kaniya.
Dahil dito, pinatawan si Antiporda ng isang taong suspensyon na walang kaukulang bayad.
At dahil December, 2022 pa nang suspendihin ng Ombudsman si Antiporda bilang NIA acting Administrator, ipinababalik sa kaniya ang isang taong tinanggap na sweldo.
Ipinaalala ng Ombudsman ang code of conduct and ethical standards for public officials and employees, na nagtatakda na pagrespeto sa mga public official at mga empleyado at dapat umiwas sa mga asal na labag sa morals at kagandahang asal.
Abswelto naman si Antiporda sa kasong grave misconduct at ignorance of the law dahil sa kawalan ng basehan.
Samantala sa inilabas na official statement, sinabi ni Antiporda na maghahain siya ng motion for reconsideration .