Ombudsman, hindi maaring disiplinahin ng Presidential Anti-Corruption Commission

Manila, Philippines – Suportado ni Senate President Koko Pimentel ang paglikha ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Presidential Anti-Corruption Commission.

Nauunawaan din ni Pimentel na ang hakbang ng Pangulo ay tugon sa mga naririnig nitong korapsyon na nagaganap sa Office of the Ombudsman.

Pero diin ni Pimentel, limitado lang kapangyarihan ng nabanggit na komisyon at hindi nito maaring disiplinahin ang Ombudsman.


Paliwanag ni Pimentel, impeachment lang ang paraan para madisiplina ang Ombudsman.

Facebook Comments