Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang patong-patong na kasong isinampa laban kina Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta at PAO Forensics Head Dr. Erwin Erfe.
Kabilang dito ang mga kasong katiwalian, falsification of public documents, malverstation of public funds, grave misconduct, serious conduct prejudicial to the interest of the service.
Sa 23 pahinang pirmado ni Ombudsman Samuel Martires, ibinasura ang mga kasong administratibo at kriminal laban kina Acosta at Erfe dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Nag-ugat ang kaso sa isinampa ni Wilfredo Garrido kaugnay ng pinalaki umanong gastusin para sa office supplies na nagamit sa isyu ng Dengvaxia.
Lumikha umano ito ng takot sa publiko dahil naging laman ito ng social media.
Facebook Comments