
Ipinag-utos ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa Sandiganbayan ang pagbawi muna sa kaso na may kaugnayan sa Pharmally scandal.
Ayon kay Ombudsman Remulla, nais niya munang ma-review ang mga kaso para ma-evaluate ang mga detalye o impormasyon na kulang.
Aniya, nais nila na kapag naghain na ng kaso ay ready for trial na ito agad kung kaya ipapatawag nito si Richard Gordon na siyang una nang nag-imbestiga sa Pharmally scandal.
Nilinaw naman ng Ombudsman na hindi na kasama sa kanyang binabawi ang mga na-arraign na na kaso sa Sandiganbayan.
Facebook Comments









