Ombudsman, lumikha na ng special panel of investigators na magsisiyasat sa mga flood control project

Bumuo na ang Office of the Ombudsman ng special panel of investigators para siyasatin ang flood control projects.

Sa dalawang pahinang dokumento na pirmado ni Ombudsman Special Prosecutor Mariflor Punzalan Castillo, binuo ang special panel of investigators bilang bahagi ng mandato ng Ombudsman noong August 22, 2025.

Partikular na tutukan ng binuong panel ang pagsisiyasat sa mga local at national flood control projects at tingnan ang nangyaring katiwalian at mis-appropriations ng pondo.

Kabilang sa mangunguna sa special panel of investigators ay si Assistant Ombudsman Ceasar Asuncion na magsisilbing Chairperson, habang Co-chairperson Assistant Ombudsman Maria Olivia Elena Roxas at labing isang miyembro ng graft investigation and prosecution officers.

Inaatasan din ang panel na agarang magsagawa ng pagsisiyasat, mangalap ng ebidensya, at magrekomenda ng mga kaukulang aksyon, kabilang ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa lahat ng indibidwal.

Kasunod nito, ipinag-utos din sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno at empleyado na ibigay ang lahat ng mga dokumento kabilang ang mga kontrata na may kinalamam sa flood control projects.

Facebook Comments