
Siniguro ni Ombudsma Jesus Crispin Remulla na walang mangyayari kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co kapag umuwi sa bansa.
Taliwas ito sa pahayag ng dating mambabatas na may panganib sa kanyang buhay sa sandaling umuwi ng bansa.
Ayon kay Remulla, handa nilang bigyan ng seguridad si Co kapag gusto niyang umuwi sa Pilipinas.
Nag-alok pa si Remulla ng sasakyan na susundo sa kanya sa airport at dalhin kung saan niya gusto.
Kung gusto rin daw ni Co ay idodokumento sa pamamagitan ng video ang pagsundo sa kanya hanggang makarating sa lugar kung saan siya ihahatid.
Facebook Comments









