Ombudsman maghahain ng motion for reconsideration at hihilingin sa SC na baligtarin ang desisyon sa pagpayag na mag-bail si Ex-Sen. Estrada

Manila, Philippines – Kinekwestiyon ng Office of Ombudsman ang Sandiganbayan sa pagpayag na magpiyansa si dating Senador Jinggoy Estrada upang pansamantalang makalaya.

Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni Justice Edilberto Sandoval, Ombudsman special prosecutor, na maghahain sila ng motion for reconsideration sa Sandiganbayan.

At kung sakaling hindi paboran, hihilingin nila sa Korte Suprema na baligtarin ang desisyon sa pagpayag na magpiyansa si Estrada.


Una rito ay hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan 5th division ang kahilingan ni Estrada na maglagak ng piyansa.

Pero makalipas ang halos ang isang taon na ma-review ang kasong plunder ni Estrada na non-bailable offense.

Nakalaya noong Sabado si Estrada matapos pumayag ang Sandiganbayan na mag-piyansa ng 1.3 milyon pesos.

Facebook Comments