Ombudsman Morales, handang harapin ang disbarment case laban sa kanya

27

Manila, Philippines – Handang harapin ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang disbarment complaint na inihain ni dating Manila City councilor Greco Belgica.

 

Ayon kay Morales, hindi pa nya nakikita ang nasabing reklamo at ang naging batayan ni Belgica kung bakit sya nais patanggalan ng lisenya sa pag-aabugado.

 

Giit pa ni Morales, kahit sino naman ay malayang maghain ng reklamo kung kaya't binati pa niya ng 'goodluck' si Belgica.

 

Kanina, naghain ng disbarment complaint si Belgica laban kay Morales sa Supreme Court.

 

Ginawa nitong batayan ang pag abswelto ni Morales kay dating Pangulong Benigno Aquino sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program o DAP.



Facebook Comments