Manila, Philippines – Kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang procurement ng Office of the Ombudsman sa higit apat na bilyong piso na halaga ng langis na hindi dumaan sa public bidding.
Base sa annual audit report ng COA, gumastos ang tanggapan ng fuel, oil at lubricants na nagkakahalaga ng 4.56 billion pesos nitong 2018 na walang public bidding.
Ayon sa COA, paglabag ito sa Government Procurement Reform Act.
Ang mga langis ay binili sa Mindanao Avenue Servicenter, Petrofort Service Station, Luzon East Avenue Petrol Service Center Corp. at East Avenue Petron Service Center Corp.
Kahit ang fuel requirements para sa 2018 ay nakaprograma sa ilalim ng annual procurement plano, ang paraan ng procurement ay hindi binanggit.
Inirekomenda ng COA sa Office of the Ombudsman na bumuo ng Bids and Awards Committee sa mga opisina nito para tumalima sa procurement law at inatasang agad magsagawa ng public bidding o direct contracting.