
Naghahanda ang Office of the Ombudsman para isagawa ang digital forensic examination sa central processing unit (CPU) ng computer ni dating DPWH Usec. Catalina Cabral.
Ayon kay Assistant Ombudsman Atty. Mico Clavano, makikipag-ugnayan sila sa Commission on Audit (COA), DPWH, at PNP Anti-Cybercrime Group upang masiguro ang maayos at integridad ng pagsusuri sa mga files ni Cabral.
Paliwanag ni Clavano, mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang mapanatili ang kredibilidad ng buong proseso ng forensic examination.
Dagdag pa niya, may pahayag rin siya kaugnay ng paglalabas ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ng sinasabing “Cabral files.”
Facebook Comments










