Ombudsman, naglabas ng pahayag kaugnay sa interview kamakailan ni Sarah Discaya matapos sumuko sa NBI

Naglabas ng pahayag ang Office of the Ombudsman patungkol sa kamakailang panayam kay Sarah Discaya.

Ayon kay Spokesperson Assistant Ombudsman Mico Clavano, ang takot umano ni Discaya ay “bunga ng mga kilos na siya mismo ang gumawa.”

Dagdag pa niya, sana raw ay inisip nito ang kapakanan ng milyong-milyong Pilipino na nalagay sa peligro dahil sa paglihis umano ng pondo na dapat magpoprotekta sa kanila laban sa baha.

Binigyang-diin ni Clavano na may karapatan si Discaya para sa due process, pero hindi niya pwedeng gamiting palusot ang takot para takasan ang kaniyang pananagutan.

Matatandaang nag-voluntary custody si Discaya sa National Bureau of Investigation (NBI) habang naghihintay na posibleng maisyuhan ng warrant of arrest kaugnay sa umano’y ghost project sa Davao Occidental.

Facebook Comments