Ombudsman, pinasasagot si Justice Secretary Crispin Remulla sa loob ng 10 araw kaugnay sa inihaing kaso ni dating BuCor Director General Gerald Bantag

Inutusan na ng Office of the Ombudsman si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na magpadala ito ng kanyang counter affidavit laban sa mga kasong isinampa ni dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.

Binigyan ng Ombudsman ng 10 araw si Remulla para sagutin ang apat na kasong isinampa ni Bantag noong Disyembre 2022.

Kabilang na dito ang kasong libelo, dalawang kaso ng administratibo at isang kasong ng murder.


Kasama rin sa pinasasagot ng Ombudsman ang kasalukuyang BuCor Chief na si General Gregorio Catapang at ilang inmates ng New Bilibid Prison (NBP).

Sakaling mabigo umano ang mga respondent ay maglalabas ang Ombudsman ng desisyon base sa mga ebidensya na kanilang nakalap.

Facebook Comments