Ombudsman posibleng maghain ng panibagong batch ng kaso laban sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects ngayong linggo

Posibleng maghain ang Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ng panibagong batch ng kaso laban sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects ngayong linggo.

Ayon kay Assistant Ombudsman Atty. Mico Clavano, mayroon na kasing mga kasong up for filing at puwede na itong mangyari ngayong linggo.

Tumanggi naman si Clavano na pangalanan kung sino-sinong mga senador at kongresista ang sasampahan ng kaso.

Una nang sinabi noon ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na pagsapit ng Disyembre 15 ay mayroon nang ilalabas na warrant of arrest laban sa mga big fish o malalaking personalidad na sangkot sa maanomalyang proyekto.

Kabilang na rito ang mga senador, congressman, mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH0 at mga contractor.

Pero ayon kay Clavano, nakasalalay pa rin ang ilalabas na warrant of arrest sa bigat ng kaso at mga ebidensiya laban sa mga isinasangkot sa flood control anomaly.

Facebook Comments