Ombudsman, sinimulan na ang imbestigasyon sa kaso ni Kian Loyd delos Santos

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Ombudsman ang imbestigasyon sa pagpatay sa 17-anyos na estudyanteng si Kian Loyd Delos Santos.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, magpadala na ang Office of the Military Affairs ng subpoena sa mga dapat humarap sa kanilang imbestigasyon.

Sasailalim sa imbestigasyon ng Ombudsman ang tatlong pulis na sina PO3 Arnel Oares, PO1 jeremias pereda at PO1 Jerwin Cruz na nasa restrictive custody ng PNP.


Una nang iminungkahi ni Senate Minority Floorleader Franklin Drilon na mas makabubuting ombudsman na ang mag imbestiga hinggil rito sa halip na ang DOJ para matiyak na magiging patas ito.

Facebook Comments