Pinuna ni Ombudsman Samuel Martires ang inilabas na artikulo ng Philippine Center for Investigative Journalism kaugnay sa statement of assets liabilities and net worth ni Pang. Rodrigo Duterte.
Sa isang press statement, hindi nagustuhan ni Ombudsman Martires ang artikulong isinulat ni Ms. Malou Mangahas noong ika-11 ng Disyembre 2019 na nailathala sa website ng PCIJ.
Wala aniyang pormal na paalam si Mangahas sa kaniya na siya ay iinterbyuhin nito tungkol sa saln ni Pang. Duterte at pinayuhan niyang magtungo na lamang ito sa kanyang opisina dahil masalimuot ang nasabing isyu.
Aniya, patuloy siyang naglalakad patungo sa conference hall diamond hotel noong siya ay dumalo sa anti-corruption summit matapos ang kanyang health break pero nagpatuloy si Mangahas sa pagtatanong sa kanya.
Hindi rin nagpaalam si Mangahas sa kanya na irerekord nito ang nasabing usapan bagay na nilabag ng reporter ang anti-wiretapping law.
Sa huli, napagtanto ni Ombudsman Martires na walang ibang hangarin si mangahas kundi ang gamitin siya sa pagpuna sa executive order hinggil sa freedom of inoformation ni Pang. Duterte upang siya ay siraan at para pagsabungin sila ni presidente.
Alam din nito na may karapatan ang publiko na malaman ang saln ng bawat kawani ng pamahalaan pero mayroon din daw siyang tungkulin na dapat gampanan para pangalagaan ang karapatan ng bawat kawani ng pamahalaan alunsunod sa itinatakda ng batas.