Thursday, March 26, 2026

Ombudsman, tiniyak na mas marami pang makakasuhan na dawit sa flood control

Asahan na ang mas pinaigting na paghabol sa mga indibidwal na dawit sa flood control scandal.

Ito ang tiniyak ng Office of the Ombudsman dalawang linggo matapos nila matanggap ang mga dokumento, ebidensiya at findings ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay sa mga dawit sa anomalya.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, mas palalakasin pa nila ang imbestigasyon sa mga indibidwal at asahan pang mas magiging aktibo ang kanilang tanggapan sa mga susunod na linggo.

Sa kabila nito, tumanggi si Remulla na sabihin ang ibang mga detalye kaugnay sa ginagawa nilang imbestigasyon.

Pero, pagtitiyak ng Ombudsman may aasahan ang publiko ngayong tag-init.

Facebook Comments