
Wala pang sagot ang Office of the Ombudsman sa paratang ni Senador Joel Villanueva sa pagpapatupad ng tanggapan patungkol sa 2016 dismissal order nito.
Matapos na tawagin ito ng senador na harassment.
Nauna nang kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na magsusumite ang kaniyang opisina ng liham kay Senate President Vicente Sotto III tungkol sa enforcement ng dismissal order nito.
Kung saan ang una nang inilabas ang naturang kautusan noong 2016 ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales dahil sa paggamit umano ng 10 million pesos mula sa kaniyang pork barrel allocation bilang representative ng CIBAC Party-list.
Facebook Comments









