Nagbabala ang Office of the Ombudsman na wala silang sasantuhin sa gagawin nilang imbestigasyon hinggil sa paglaya ng higit 1,900 convicts dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, kasama sa kanilang iimbestigahan ang lahat ng mga dating pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor) at lahat ng mga natatrabaho na may kinalaman sa pagpapalabas o pagpapalaya ng mga tao.
Hindi rin bibigyan ng special treatment si Sen. Bato Dela Rosa na dating hepe ng BuCor.
Aalamin nila kung nagkaroon ng korapsyon sa pagpapalaya sa mga preso.
Nagbabala rin ang Ombudsman sa BuCor na tatangging magpaimbestiga sa kanila.
Bukas din ang Ombudsman na gawing State Witness ang mga convict.
Facebook Comments