Itinanghal bilang “most searched” word o palaging hinahanap na salita sa Google ang free online chat website na “Omegle.”
Base sa annual year in search ng Google, lumalabas na ang ‘Omegle’ ay nangungunang trending searches sa Pilipinas ngayong taon.
Ayon kay Google Philippines Head of Communications and Public Affairs Marvin Wenke, naging sikat ang Omegle dahil nagsisilbi itong virtual hangout kung saan pwedeng maghanap ng kaibigan online, magsagawa ng mga prank, at pwede rin ditong pag-usapan ang ilang topics of interest.
Ikalawa sa most searched word sa Pilipinas ay ang gaming site na Memoryhackers, na sinundan ng Codashop, isang website para sa game credits at vouchers.
Kukumpleto sa listahan ng ‘most search word’ sa Pilipinas ngayong taon ay Idol Philippines, Thanos, NBA standings 2019, Halalan 2019, Eddie Garcia, Pacquiao vs. Broner at Memories lyrics.
Layunin nitong annual list na magsilbing salamin sa mga paksang pinag-usapan sa pop culture, events, sports, politics, at news na bumubuo sa taong 2019 ng mga Pilipino.
Nangunguna naman sa top 10 most searched male personalities sa Google sa Pilipinas ay ang male Korean pop group na SB19, sumunod si Pasig City Mayor Vico Sotto, Gerald Anderson, Manila Mayor Isko Moreno, blogger na si James Charles, joker actor na si Joaquin Phoenix, singer na si Bamboo, internet celebrity na si Dante Gulapa, Ion Perez, at singer na si Juan Karlos.
Si Jane De Leon naman ang nanguna sa top 10 most searched female personalities sa Google sa Pilipinas, sinundan siya ng mga aktres na si Gretchen, Marjorie, at Julia Barretto, Miss Universe-Philippines 2019 Gazini Ganados, Miss Universe 2018 Catriona Gray, American singer na si Billie Eilish, internet celebrity na si Jelai Andres, at Hollywood actresses na sina Brie Larson at Naomi Scott.