Omicron subvariant XBB, posibleng nasa Pilipinas na rin – Dr. Solante

Maaaring nakapasok na sa Pilipinas ang Omicron subvariant XBB dahil na rin sa pinaluwag na travel restrictions.

Ayon sa infectious diseases expert na si Dr. Rontgene Solante, posibleng ang XBB ang dahilan kung bakit halos 2,000 bagong kaso pa rin ng COVID-19 ang naitatala sa bansa kada araw.

Bukod kasi sa kakaunti na lamang ang mga sample na naisasalang sa sequencing, bukas na rin ang border ng bansa partikular sa mga galing at nagtutungo sa Singapore.


Nabatid na iniuugnay sa XBB subvariant ang pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa Singapore kamakailan.

Ang XBB subvariant ay pinagsamang BJ.1 na sublineage ng BA.2.10.1 at ng BM.1.1.1 na sublineage naman ng BA.2.75.

Kabilang ito sa mga binabantayan ngayon ng World Health Organization (WHO) kasama ang BA.5, BA.2.75, BJ.1, BA.4.6 at BA.2.3.20.

Facebook Comments