Omicron variant, posibleng hindi lang nade-detect sa Pilipinas dahil sa bumababang COVID-19 testing – infectious disease expert

May dalawang factor na nakikita ang infectious disease expert na si Dr. Rontegen Solante ng San Lazaro Hospital kung bakit wala pang nade-detect na Omicron variant sa bansa.

Una rito, sinabi ng Philippine Genome Center (PGC) na posibleng nakapasok na sa bansa ang bagong variant ng COVID-19 bagama’t itinanggi naman ito ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Solante, hindi naman kasi lahat ng sample ay naisasalang sa genome sequencing dahil na rin sa limitadong kapasidad ng PGC.


Bukod dito, bumaba rin ang bilang ng mga nagpapa-COVID test.

Kaya paalala ni Solante sa publiko, may Omicron man o wala ay ugaliin pa ring mag-ingat at sumunod sa minimim public health protocols.

Facebook Comments