OMPONG PH | 2,000 foods packs, 7 evacuation center- inihanda ng Manila City Govt

Manila, Philippines – Inutusan na ni Manila City government ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office, Manila Department of Social Welfare, Manila Health Department, at iba pang front liners na ihanda na pitong mga evacuation centers at mga food packs na mahigit dalawang libo bilang paghahanda sa inaasahang emergency na idudulot ng bagyong Ompong na anumang oras ay mananalasa sa northern Luzon.

Ayon kay Mayor Estrada, naihanda na ang mga pagkain at gamot para sa mga evacuation centers sa Baseco, Delpan,Delpan Sports Complex habang gagamitin naman ang alternatibong evacuation ang mga eskwelahan ng Corazon Aquino, Vicente Lim, Amario, Villegas at maging covered court at health center sa Barangay 105 Tondo Manila.

Pinakikilos na rin ng alkalde ang mga tauhan ng MPD para pagsabihan ang mga residenteng nakatira sa mga tabing dagat na lumikas na sakaling lumakas ang alon.


Facebook Comments