OMPONG VICTIMS | PAGCOR namahagi ng relief goods sa Northern Luzon

Umaksyon na rin ang Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR kaugnay ng epekto ng bagyong Ompong sa Northern Luzon.

Ayon kay PAGCOR Vice President for Corporate Social Responsibility Jimmy Bondoc nasa 2,000 bags ng relief goods ang dala ng kanilang teams patungo sa mga evacuation centers sa Northern Luzon para magbigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng pananalasa ng malakas na bagyong Ompong.

Ayon kay Bondoc kasama sa mga ipamamahagi ng PAGCOR ang bigas, de lata, kape, noodles at tig-2 litrong mineral water sa mga lubhang nasalanta ng nagdaang bagyo.


Paliwanag ni Bondoc bukod sa 2,000 bags ng relief goods ay may karagdagan pang inihahanda ang PAGCOR para sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Ompong kasama na ang Benguet, Baguio, Tuguegarao, Aparri , Sta Ana, at iba pang bahagi ng Cagayan Lalawigan ng Isabela, Pangasinan at Neuva Ecija.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PAGCOR sa DSWD para makapagbigay pa ng karagdagang ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Ompong.

Facebook Comments