Nakatutok na ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Cordillera sa mga inaasahang insidente ng landslide at rockslide sa mga pangunahing kalsada sa rehiyon.
Ayon sa DPWH-Cordillera, nananatiling nakasara ang limang national roads sa rehiyon mula pa noong panahon ng matinding habagat.
Ilan sa mga national roads tinututukan ay ang Kennon road; Bagtangan-Gambang road; Bakun road; Abra-Ilocos Norte road; Tabuk-Banaue road at Junction Talubin-Barlig-Natonin-Paracelis-Calaccad road.
Inutusan na din ang lahat ng district engineering office ng DPWH na i-activate na ang kanilang disaster team at ang pag-preposition ng mga heavy equipment sa mga lugar na may landslide at rockslide.
Umapela naman ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga motorista na mag-ingat dahil sa inaasahang aberya sa kalsada.