On-call driver, arestado sa buy-bust operation sa Makati

35

Nahuli ng mga tauhan ng Makati Police ang isang on-call driver sa kanilang ikinasang buy-bust operation sa Anahaw Street, Barangay Comembo, Makati City.

Kinilala ang naarestong drug suspek na si Martin Bersamina alyas “Mike”, 43-anyos residente ng Barangay Comembo, Makati.


Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), nagpanggap na buyer ang isa sa mga pulis kaya nahuli ito sa akto ng pagbebenta.

Nakuha sa kanya ang 2.2 gramo ng shabu na aabot sa halagang Php14,960.

Sa ngayon, nahaharap na ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments