Patuloy na pinag-aaralan ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang pagpapalawig o hindi na ng umiiral na martial law sa Mindanao.
Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez lalo at hanggang December 31 ng taong kasalukuyan magtatagal ang martial law sa Mindanao.
Pero kung siya aniya ang masusunod, epektibo naman ang batas militar sa Mindanao.
Wala naman aniyang nalalabag na karapatang pantao at tanging paghihigpit lang ng seguridad ang ipinatutupad nila.
Ito ay para malabanan ang anumang banta sa seguridad partikular ang terorismo.
Nabawasan na rin aniya ang mga insidente ng karahasan at mga armadong grupo sa Mindanao.
Ayon pa kay Galvez, sa katunayan, makakabuti ang pagpapalawig ng martial law dahil sa darating na eleksyon 2019 at sa plebesito sa Bangsamoro Organic Law o BOL sa Pebrero ng susunod na taon.