On-site court employees sa mga lugar na nasa Alert Levels 1 at 2, limitado pa rin

35

Mananatiling limitado hanggang sa katapusan ng Hulyo ang mga kawani ng korte na nasa on-site mula sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1 at 2.

Ayon sa Office of the Court Administrator (OCA) ng Korte Suprema, ito ay dahil sa patuloy pang tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Alinsunod sa guidelines ng OCA, pisikal na bukas ang mga korte sa mga nasabing alert levels.


50% hanggang 75% na bilang ng mga empleyado lang ang pinapayagan na pumasok nang pisikal sa mga korte.

Bawal din ang pagsasagawa ng flag raising o lowering ceremonies pansamantala.

Hindi rin muna puwede ang Saturday duty at jail visitations.



Pinahihintulutan naman ang personal filing at follow-up ng kaso ngunit dapat na mahigpit na sundin ang health protocols.

Sa ilalim din ng panuntunan ng OCA, pinapayagan ang fully remote videoconferencing hearings bagama’t prayoridad pa rin ang face-to-face hearings.


Facebook Comments