ON-SITE INSPECTION SA MGA PROYEKTONG PANG-IMPRASTRAKTURA SA REGION I, ISINAGAWA

Nagsagawa ng on-site validation ang hanay ng Land Transportation Office o LTO Region I sa mga proyektong pang-imprastraktura partikular sa mga lalawigan ng Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Ininspeksyon ang mga proyekto na matatagpuan sa mga bayan ng Burgos, Laoag at Batac sa Ilocos Norte, at San Ildefonso sa Ilocos Sur.

Layon nitong matiyak ang kalidad ng itinatayong mga proyekto, maging ang maayos at sa itinakdang oras na pagtatapos nito.

Alinsunod ito sa adhikain ng administrasyon ng matiyak na ang ipinopondong pera ay nagagamit sa wastong pamamaraan upang upang mapakinabangan ito ng mga residente sa nasasakupang lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments