Kinumpirma ng Philippine Statistic Authority (PSA) na may 89 na opisyal at empleyado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang unang isinalang sa pilot agency registration ng Philippine Identification System o PhilSys.
Ginawa ito ng PSA sa DILG Central Office sa Quezon City at pinangunahan mismo ni DILG Secretary Eduardo Año.
Mahigit pa sa 1,000 DILG personnel, kabilang ang mga contract of service ang inaasahang magpaparehistro sa PhilSys hanggang July 5, 2021.
Ayon kay Año, ang DILG ang napili ng PSA bilang pilot agency sa Executive branch ng gobyerno para sa on-site registration.
Tiniyak ng kalihim sa PSA ang buong suporta nila sa rollout ng PhilSys sa Local Government Units (LGUs) at maging sa publiko.
Facebook Comments