Inatasan na ni MMDA Chairman Benjur Abalos ang mga miyembro ng Road Emergency Group na magsagawa ng random o on-the-spot breathalyzer test sa mga driver ng bus upang matukoy kung sila ay nasa ilalim ng impluwensya ng alak.
Ayon kay Abalos hindi papayagang magmaneho ang mga driver na bumagsak sa pagsusulit maliban kung sila’y magpapahinga.
Dapat din aniyang tiyakin ng mga bus operator na nasa kondisyon ang kanilang mga sasakyan at fully vaccinated na ang kanilang driver bago sila payagan na bumiyahe.
Samantala, nilinaw ni Abalos na mananatiling suspendido ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding para sa lahat ng sasakyan.
Matatandaang nauna ng nag-inspeksyon si Abalos sa mga sementeryo sa Metro Manila.