Nagsagawa ng random on-the-spot emission testing ang Land Transportation Office Region 1 sa iba’t-ibang uri ng sasakyan na bumabagtas sa pangunahing kakalsadahan sa Bangar, La Union.
Biglaan din ang inspeksyon ng tanggapan sa mga garage testing centers upang matiyak na tumatalima ang mga ito sa emission standards.
Nabigyan ng violation tickets ang mga nakitaan ng paglabag habang inabisuhan naman ang mga driver sa tamang maintenance ng sasakyan.
Layunin na paigtingin ang pagsunod ng mga motorista sa Philippine Clean Air Act of 1999 na nagtatakda ng regulasyon sa usok ng mga sasakyan para sa kapaligiran at kalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









