ON-TIME NA PAGBABAYAD NG BUWIS SA AGNO, IPINAALALA

Ngayong araw, Disyembre 26, 2025, ang itinakdang huling araw ng pagbabayad ng Real Property Tax (RPT) sa Agno, Pangasinan.

Kasabay nito, nagpaalala ang lokal na pamahalaan sa lahat ng nagmamay-ari ng lupa at ari-arian na huwag ipagpaliban ang kanilang pagbabayad upang maiwasan ang penalty at surcharge.

Ayon sa paalala, maaaring magbayad nang mas maaga upang makakuha ng diskwento at upang makaiwas sa penalty o ibang kaakibat na delinquent fee.

Ipinapaabot din ng LGU na walang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan mula Disyembre 29, 2025 hanggang Enero 2, 2026 kaya maiging samantalahin ang huling araw ng pagbabayad.

Facebook Comments