Isa sa masuwerteng lalawigan sa Pilipinas ang Pangasinan na nasilayan ang pambihirang rare Lunar Eclipse Super Blue Blood Moon gabi ng Enero 31, 2018. Kanya kanyang kuha at post ang mga netizens na pangasinense sa kanilang social media accounts.
Ayon sa DOST PAG-ASA pambihira ang nasabing phenomenon kaya naman hinikayat nila ang mga mamamayan na saksihan ito. Sa katunayan binuksan ng nasabing ahensya ang iba’t ibang observatory lab nito sa buong kapuluan upang ma-accommodate ang mga interesadong tao na saksihan ito.
Nag-simula ang nasabing celestial phenomenon kagabi ng dakong 6:49 pm at ang partial eclipse naman ng 7:48 pm. Nag-tagal naman ito ng pasado 10:00 pm. Huling nasaksihan ang ganitong phenomenon noon pang December 30, 1982 at muling masasaksihan pa sa taong 2037.
Nasaksihan mo ba ito kagabi? Share your photos on our comment box!