Inilunsad sa San Juan, La Union ang programang One Barangay, One Product na naglalayong isulong ang potensyal ng mga produkto mula sa bawat barangay.
Sa pamamagitan ng programa, nais paangatin ang kakayahan ng bawat barangay sa pagiging malikhain at pagprodyus ng mga produktong maaaring umabot sa mas malawak na merkado.
Kilala ang bayan sa mahusay na pottery na kadalasan ipinapamalas sa produksyon ng dalikan o kalan na gawa sa clay, habang karamihan naman sa barangay ay mayaman sa mga produktong pang agrikultura tulad ng bigas, tobacco, mais , maging ang paggawa ng walis at paghahabi ng kumot.
Inaasahan na ikaangat pa ng turismo ang naturang programa kasabay ng pagtataguyod sa kabuhayan at kultura ng mga residente.
Facebook Comments










