ONE BONUAN, PAKANAN ED BAYBAY SA DAGUPAN CITY, BINUKSAN NA

Binuksan na ang “One Bonuan, Pakanan ed Baybay” sa Bonuan Tondaligan Beach sa Dagupan City ng lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) Region I.
Matatandaan na bunga ito ng pakikipag-ugnayan ng LGU Dagupan sa DOLE at PESO upang makapagbigay ng tulong pangkabuhayan sa ilang mga kwalipikadong DagupeΓ±o ng lungsod.
Kabuuang 30 DagupeΓ±o ang kabilang sa unang batch at nabigyan ng pagkakataong makapag-umpisa ng kanilang sariling negosyo.

Potensyal namang makatulong ang pagbubukas ng mga bagong kainan sa turismo at ekonomiya ng Dagupan lalo na at nakalagay ito sa pamosong pasyalan ng syudad.
Samantala, bahagi ito sa selebrasyon ng Dagupan City Fiesta 2023, maging ang pagdiriwang ng Kapaskuhan. |ifmnews
Facebook Comments