ONE BONUAN PAVILION PHASE 1, NALALAPIT NANG BUKSAN

Nakatakdang buksan ang itinayong One Bonuan Pavilion Phase 1 na matatagpuan sa Bonuan Tondaligan Beach, Dagupan City, pagkatapos ng ilang pagsasaayos pa rito.

Inaasahang mas mapapalakas pa nito ang turismo ng lungsod kasabay ng pagbubukas ng ilan pang plano at proyekto sa ilalim ng nasabing sektor.

Magpapatuloy pa ang konstruksyon dahil mayroon na ring pondo ang pagpapatayo ng phase II at III nito, ayon sa lokal na pamahalaan ng lungsod.

Samantala, nasa isang daang milyong piso ang inilaan na pondo sa One Bonuan Pavillion Phase I na nagmula sa isang senador mula sa nasyonal na gobyerno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments