Sinisilip na ng Department of Transportation (DOTr) ang bumuo ng sistema kung saan gagamit na lamang ang mga pasahero ng iisang card para sa lahat ng uri ng transportasyon.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, patuloy na pinag-aaralan ng ahensya ang mga posibilidad sa cashless transactions, kabilang na rito ang one-card system.
Dagdag pa ng kalihim, plano rin nila na buksan ang production ng transportation cards sa maraming players.
“Para sa gayon walang kontrolado, parang sa ganon, ang option kung anong card ang gagamitin ay nasa pasahero,” dagdag ni Tugade.
Para kay Tugade, nais niyang magkaroon ng one-card system pagsapit ng katapusan ng taon.
Ang DOTr ay matagal nang sinisilip ang cashless transactions sa mga transportation services kahit bago tumama ang COVID-19 pandemic.