ONE CHAMPIONSHIP | Brandon Vera, ipagtatanggol ang heavyweight title

Haharapin ni Brandon “The Truth” Vera si Mauro Cerilli para ipagtanggol ang kaniyang heavyweight title sa ONE Championship’s Conquest of Champions sa MOA Arena sa Pasay City mamayang gabi.

Ito ang unang laban ni Vera sa loob ng dalawang taon matapos matagumpay na maidepensa ang kaniyang korona konta kay Hideki Sekine noong 2016.

Pero hindi magiging madali ang laban ni Vera kay Cerilli dahil na rin sa 12-5 win loss record ng Italyano.


Sa kanila nito iginiit ni Vera na mas gugustuhin na lamang nitong mamatay kesa matalo sa harap ng kaniyang mga kababayan.

Sa undercard, magtutuos si Folayang at Amir Khan ng Singapore para sa bakanteng lightweight title.

Dating hari ng division si Folayang at matindi ang pagnanais nitong mabawi ang titulo.

Facebook Comments