ONE Championship heavyweight titlist Brandon Vera, magbabalik sa octagon ngayon 2021

66

Tiniyak ni ONE Championship heavyweight titlist Brandon Vera na handa na siyang magbabalik sa octagon para idepensa ang kanyang heavyweight title ngayon 2021.

Ilan sa mga potensiyal na pwedeng makaharap ni Vera ay sina Dustin Joynson, Amir Aliakbari at Arjan Bhullar.


Ang 34-year-old Canadian na si Joynson ay ang bagong heavyweight fighter ng ONE Championship habang si Aliakbari ay isang world champion Greco-Roman wrestler.

Huli namang lumaban si Bhullar nang dominahin nito si former ONEheavyweight world title challenger Mauro Cerilli sa kanyang promotional debut noong October 2019.

Matatandaang hindi lumaban si Vera simula noong ONE: Century Part II noong 2019.

Facebook Comments