China – Hindi nabago ang kwento ng mga mag-asawa na may maraming anak.
Pero sa Shanxi Province, usap-usapan ang kwento sa likod ng pagkakaroon ng isang dosenang anak ng isang Chinese couple sa kabila ng umiiral na one child policy sa kanilang bansa.
Sa kagustuhan raw na magkaroon ng anak na lalaki, hindi raw tumigil sa pagbubuntis si Mrs. Gao hanggang sa umabot na sa labing isa ang kanilang anka na puro babae.
Kasabay nito, labing-isang beses din silang nagmulta sa korte dahil sa paglabag sa one child policy hanggang sa ika-12 subok ay nagbunga na ng anak na lalaki ang pagsusumikap ng mag-asawa.
At dahil kaisa-isang lalaki, mahal na mahal at protektadong-protektado si Gao Haozhen ng kanyang mga magulang at mga kapatid na babae.
Hanggang sa ikasal nga raw ito, nag-ambagan pa ang kanyang mga kapatid para ibili siya ng sariling bahay.