
CAUAYAN CITY- Pinasinayaan ng Isabela State University ang One-Health Product Research and Development (R&D) Facility kahapon ika-28 ng Enero sa Climate Change Center, ISU Echague.
Kasabay ng aktibidad ang groundbreaking ceremony at paglagda ng Memorandum of Agreement sa mga aprubadong proyekto ng Department of Agriculture – Bureau of Agricultural Research (DA-BAR).
Ang paglagda ng MOA sa pagitan ng ISU at DA-BAR ay naghatid ng halos 20 milyong pisong halaga ng mapagkukunang pinansiyal ng Unibersidad para sa mga naaprubahang proyekto.
Kabilang sa mga proyekto ay ang Upgrading of the Technology Commercialization Center at Isabela State University, Increasing Availability of Quality Indian Turmeric Rhizomes in Southern Isabela through Public-Private Partnership, Upgrading of Smart Greenhouse for High-Value Crop Seedlings Production at Isabela State University, at Upgrading of Mungbean R&D Facility at Isabela State University – San Mateo Campus.