One Hospital Command Center, aminadong hirap na rin makahanap ng COVID-19 referral hospital

Punuan na ang mga ospital sa Metro Manila maging sa mga kalapit na lalawigan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Marylaine Padlan, medical officer ng One Hospital Command Center na sa ngayon ay naglalaro sa 400 hanggang 500 tawag ang kanilang natatanggap kada araw na humihingi ng medical assistance o hindi naman kaya ay hospital referral.

Ayon kay Dr. Padlan, hirap silang makahanap ng mga ospital para sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 lalo na rito sa Metro Manila, Region 4A at Region 3.


Samantalang nasa high risk classification na rin aniya ang healthcare utilization rate sa regions 1, 2, Cordillera Administrative Region at Caraga Administrative Region.

Kasunod nito, ikinababahala naman ng ilang healthcare workers ang hindi tugmang datos na ipinipresinta ng gobyerno hinggil sa healthcare utilization rate.

Aniya, ang aktwal na makikita sa ground ay 100% o punuan na talaga lalo na sa mga emergency room ng mga ospital.

Facebook Comments