Inamin ni Heath Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega na hindi na nila kinakaya ang dami ng One Hospital Command Center (OHCC) ang mga tawag.
Ayon kay Vega, walang teknolohiya ang OHCC para tanggapin ang 280 hanggang 300 na tawag sa telepono kada araw.
Sinabi ni Vega na karaniwang cellphones ang gamit nila at wala silang kakayanan para sa call forwarding para mas mapabilis ang pagbibigay direksyon sa mga nangangailangan madala sa mga ospital o isolation facilities.
Nilinaw naman ni Vega na kung hindi man sumasagot ay nangangahulugan na may kausap sila na ibang kliyente na nangangailangan ng tulong at hindi magagawa sa loob lamang ng ilang sandali.
Inirekomenda naman ni Vega na buhayin ang hotline 1555 para matawagan at makatulong sa mga ospital o isolation facilities na nangangailangan ng tulong.
Kukuha rin aniya sila ng karagdagang Information Technology (IT) personnel at mga bagong tauhan at makikipag-ugnayan sa PLDT para maisaayos ang serbisyo ng nasabing ospital.