One Hospital Command Center sa PICC, tiyak mabilis na makakatugon sa COVID-19 patients

Magiging mas mabilis na ang pagtugon sa mga nangangailangang medical partikular ang mga COVID-19 case sa bansa.

Ito ang pahayag ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa paglulunsad ng One Hospital Command Center (OHCC) sa Philippine International Convention Center (PICC).

Tiwala si Go na agad maaasistehan ng mas ang mga pasyenteng naghahanap ng ospital dahil ang OHCC ang magsisilbing National Patient Navigation and Referral Center.


Ayon kay Go, gamit ang makabagong teknolohiya ay hindi na kailangang mag-ikot ang mga pasyente ng COVID-19 o mga pinaghihinalaan pa lamang dahil mayroon nang tatawagang call center para sa referral.

Inihayag pa ni Go na kung dati ay marami ang mga nagsasabing hindi sila tinatanggap sa mga ospital dahil sa punuan, sa call center, mahahanapan na sila ng ospital na mapupuntahan.

Pinasalamatan din ni Go ang pamunuan ng PICC dahil pinayagan nitong maging command center ang isa sa mga hall nito.

Nangako naman ni Go na pag-aaralan niya kung paanong mapapalawak ang sakop ng OHCC kaakibat ng ibayong pagsiserbisyo sa mamamayang Pilipino.

Facebook Comments