One Hospital Command, gagamitin para sa referral ng COVID-19 patients ayon sa NTF

Mas mapabubuti ang referral system at interoperability ng public and private healthcare facilities na tumatanggap ng COVID-19 patients sa bansa sa ilalim ng One Hospital Command System.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., magkakaroon ng centralized referral mechanism kung saan mababawasan ang paghihintay para sa admission ng mga pasyente.

Sa pamamagitan aniya nito ay mapapababa ang bilang ng mga namamatay na COVID at non-COVID patient.


Mahalaga rin ito para muling mabuksan ang ekonomiya ng bansa.

Para kay Health Secretary Francisco Duque III, ang paglalagay ng mild at asymptomatic cases sa ilang isolation facilities tulad ng hotels ay makatutulong sa pagpapaluwag ng mga ospital.

Mahalagang naibibigay rin sa mga pasyenteng nasa isolation facilities ang pag-aalagang ibinibigay sa mga pasyenteng nasa mga ospital.

Target ng One Hospital Command Center na sakupin ang mga ospital at isolation facilities sa labas ng Metro Manila sa mga susunod na linggo.

Facebook Comments